Friday, October 09, 2015

Lugar na Tagos sa Puso


SAGADA
Batad
Anawangin
Nagsasa
Capones

SAGADA 
Mt Pulag
Oslob
Boljoon
SAGADA
Tabuelan
Apas
Colon
Uptown
SAGADA
.
.
.

I-ilan lamang sa mga lugar
na 
naging tahanan ng mga alaala mo.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

ANG MGA LUGAR AY PAWANG MGA LUGAR LAMANG
Juan Miguel Severo


Ang mga parke ay pasyalan.
Ang mga kalsada ay para sa mga sasakyan.
Ang mga puno, para sa lilim.
Sabihin mo sa sarili mo;
Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang.

Huwag kang magkakakmaling hanapin
maski anino niya sa tabi mo o 
ang mga hakbang ng mga paa niyang dati'y sumasabay sa'yo.
Walang kinalaman ang paglubog ng araw
sa init ng kanyang kamay o
ang simoy ng hangin
sa ginhawa ng kanyang akbay,
ang huni ng mga ibon
sa iyong tawa.

Wala na siya.
Ito ang napatunayan ko:
Kaya mong makabisa ang bawat liko ng isang siyudad
nang hindi ito tinuturing na tahanan.

Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang
hanggang mag kasama niyong namasdan ang mga ito.
Ang sementong sahig ay mananatiling tahimik
kung hindi niyo sinulat dito ang inyong kwento
ang inyong kwento,
mga pangako,
mga problemang binuo
paulit-ulit,
paulit-ulit
ipapaalala ko sa sarili ko
ang bawat kanto na pinalampas,
bawat sulok na wala mo pang bakas,
ang iyong mukha,
ang iyong ulo sa aking dibdib.
Maglalaboy ako hanggang maligaw ako
sa siyudad nitong nakasanayan kong Pag-ibig.
Maglalaboy ako hanggang matanggap ko
Itong lugar na pawang mga lugar lamang at
hindi tahanan ng mga alaala mo.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pinariringgan mo ba ako, JMS? :D

Juan Miguel Severo, ikaw ay isang alagad ng sining.
Salamat!

No comments:

Post a Comment

Thank you for dropping by.
The laagholic Buyog would love to hear from you.

Buyog's Readers